Tekstong Persweysib - Kahulugan, Layunin, Elemento at Propaganda Devices

Nueva Ecija University of Science and Technology

Academic year: 2022/2023 Uploaded by : 2 followers 11 Uploads 84 upvotes

Recommended for you

100 - Professional Education Reviewer with Answer key

100 - Professional Education Reviewer with Answer key

Bachelor of Secondary Education

Tutorial work

Mapeh reviewer

Mapeh reviewer

Bachelor of Secondary Education

Tutorial work

Comments

Please sign in or register to post comments.

Students also viewed

Related documents

Preview text

TEKSTONG PERSWEYSIB

Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.

  1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
  2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
  3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng mambabasa
  1. May subhetibong tono
  2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
  3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking

ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

  1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin. Halimbawa: Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.
  2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive). Halimbawa: Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi.
  3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag- iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Halimbawa: Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device. Ating alamain kung ano-ano ito:

  1. Name-Calling – Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.

Halimbawa: Ang pekeng sabon, bagitong kandidato

  1. Glittering Generalities – Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
  2. Transfer – Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand.
  3. Testimonial – Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto. Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
  4. Plain Folks – Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
  5. Card Stacking – Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
  6. Bandwagon – Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

GAWAIN 1

Produkto (maaaring magdikit ng larawan ng produkto kung kakayahin):

Propaganda Device: ____________________________________________________________________

Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit sa mga sumusunod na commercial taglines at political ads.